This song is for every girl and woman out there who longs to be with the man in their life every waking hour but can not, due to the constraints of military life.
Sa bawat araw na dumaraan
Ikaw lamang sa ‘king isipan
Naghihintay sa ‘yong pagbabalik
Muling madama ang yakap mo’t halik
Ref1: Sadyang ganun yata talaga
Kapag puso’y umibig na
Hinding hindi mapakali
Ni hindi ko kayang ngumiti
Chorus: Ilayo ka man sa akin ng panahon
At di man kita kapiling ngayon
Umaasa ako sa pangako mo
Na ako lang ang mamahalin mo
Sa bawat gabi’y napapangarap
Mukha at lambing mo’y hinahanap
Di mapawi ang kalungkutan
Pagkat piling mo lang ang inaasam
Ref2: Mahirap pala ang ganito
Lagging wala ka sa piling ko
Lahat ng ito’y kakayanin
At lagi kang iintindihin